TRENDING topic ngayon sa social media ang dalawang miyembro ng Gold Squad na sina Francine Diaz at Andrea Brillantes na nag-unfollow sa isa’t-isa. Nagsimula ang silent feud ng dalawa nang kumalat sa social media ang post ng ina ni Francine kung saan kasama nila sa isang intimate family affair si Seth Fedelin, ang original loveteam partner ni Andrea. Hindi nagustuhan ni Andrea ang larawang kuha sa bahay nina Francine sa Cavite, kasi, feeling niya, hindi pinangalagaan ni Seth ang kanilang tandem.
Inakala naman ng publikong may namamagitan sa dalawang bagets na lingid sa kaalaman ng kanilang respective ka-loveteam. Para sa mga fans ni Andrea, betrayal ito kaya nauunawaan nila ang mga cryptic posts ng dalaga sa social media. Para sa mga fans naman ni Francine, ginamit lang umano ni Andrea ang isyu para magpa-underdog effect at palabasing traydor si Francine.
Binigyang linaw ni Francine sa lahat sa pamamagitan ng celebrity guest niyang si Jake Ejercito na wala pa siyang kasintahan. “Wala po. I’m a single lady.”
Wala siyang boyfriend kaya wala naman sigurong masama kung dumalaw si Seth sa kanila dahil magkaibigan sila at na-excite lang ang ina ng aktres kaya nai-post nito ang kanilang larawan kasama ang aktor.
Pero iba naman ang chika ni Mama Loi, (kasama ni Ogie Diaz sa kanyang vlog) na hindi daw ito ang unang beses na na-issue sina Seth at Francine. May kumakalat na raw tsismis ukol sa dalawa bago pa man mag-viral ang kanilang New Year photo.
“Seth, nanliligaw ka ba kay Francine kaya ka nasa bahay nila?” Yan ngayon ang tanong ng bayan na dapat sagutin ni Seth bago tuluyang masira ang pagkakaibigan ng dalawang Kapamilya actress.
ANNE CURTIS NAGLUBLOB SA POOL KAHIT MAY SNOW
Nakatawag-pansin din sa mga netizens ang larawan ni Anne Curtis sa Instagram kung saan hindi niya alintana ang nagyeyelong kapaligiran sa Finland habang nakababad sa pool. Scene-stealer ang IG post ni Anne kung saan nakasuot siya ng two-piece black bikini. Kahit si Dr. Vicki Belo, na-curious at nagtanong kung hindi raw ba nanginginig si Anne dahil puro snow ang paligid niya. To think na napakanipis as in slim ng kanyang katawan.
Paano po maligo nang hindi giniginaw tapos hot pa rin, Idol Anne, usisa ng ilang netizen. Obvious na miss na miss na siya ng kanyang mga fans.
KRIS AQUINO KILALA NA NGAYON ANG MGA TUNAY NIYANG KAIBIGAN
MARIING pinabulaanan ni Queen of All Media Kris Aquino na ang dating fiancé na si Mel Sarmiento ang pinatatamaan niya sa huling bahagi ng kaniyang latest Instagram post noong Enero 12, kung saan nagbigay siya ng update sa kaniyang kalusugan.
Sa kaniyang Instagram, nag-post siya ng larawan at videos habang sumasailalim sa gamutan dahil sa kaniyang autoimmune conditions. Hangga ngayon ay patuloy siya sa ginagawa niyang paghilom mula sa katatapos na pakikipaghiwalay sa nobyong si dating Interior Secretary Mel Sarmiento.
Sa last part ng kaniyang mahabang caption, pinasalamatan niya ang lahat ng mga nagpadala ng concerns sa kanya. Nakilala raw niya kung sinu-sino ang mga totoong nagmamahal, maaasahan, at kung sino ang nagpapakitang tao lamang.
“P.S. to protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, rosaries, prayer books, ice cream, and so much more, I am refraining from any gratitude posts.”
“To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now I know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala,” diretsahan niyang sinabi.
“Hindi po yung ex-fiancé ang pinatatamaan ko,” aniya. “Kung sya, pinangalanan ko na lang.”
Ang mga kaibigan at kasamahan naman sa showbiz na nagkomento at nagpahatid ng mensahe sa kaniya ay sina Melai Cantiveros, Darla Sauler, Angeline Quinto, impersonator ni Kris na si Krissy Achino, Atty. Gideon Peña, Pin Antonio, K Brosas, at Marlo Mortel.