NAGPRISINTA si Sharon Cuneta na maghugas ng pinggan habang nasa set ng FPJ’s Ang Probinsyano, pero sa halip na makatulong, nakabasag pa ng pinggan. Kasi naman, sa ganda ng mga kamay ng Megastar, maniniwala ba kayong nakapaghugas na siya ng plato sa buong buhay niya? Hayan na nga, nagbasag pa ng plato.
Lock-in taping kasi sila kasama ang iba pang cast tulad nina Ara Mina, Rosanna Roces, and Shaina Magdayao—could be heard teasing the Megastar. Madalas biruin ni Ara si Sharon.
“Mahal ang bayad po namin dito. Kaya po siya pinapasok dito sa Probinsyano para maghugas!”
In fairness, nakapaghugas naman ng plato si Ate Shawie, kaso, nang isasalansan na niya sa drying rack, dumulas sa mga kamay niya at nahulog sa sahig, kaya nabasag lahat.
Biglang nahinto sa pagsasalita ang mga kasamahan niya at si Sharon naman, hiyang-hiyang nag-apologize habang kagat-kagat ang nabasag na plato. “I’m so sorry!” ani Megastar.
At saka lang sila nagtawanan at nangakong hinding hindi na nila paghuhugasin uli ng plato si Ate Shawie. – KNMARTIN