SISIMULAN ng pamahalaan sa susunod na buwan ang pagpapatupad sa Lifeline Rate program na tutulong sa low-income households sa pagbabayad ng kanilang electricity bills.
Ang programa ay isang subsidized rate na ipinagkakaloob sa qualified low-income electricity customers na hindi kayang bayaran nang buo ang kanilang electricity bills.
Ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o yaong namumuhay sa ilalim ng poverty threshold na itinakda ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay maaaring mag-aplay para sa programa.
Gayunman, isang Distribution Utility (DU)/Electric Cooperative (EC) service per qualified household lamang ang maaaring bigyan ng lifeline rate.
Isang aplikasyon lamang para sa bawat pamilya ang pagkakalooban ng lifeline rate.
Para mag-aplay sa programa, ang mga benepisyaryo ay kinakailang magsumite sa DU at EC ng kanilang duly accomplished Lifeline Rate application forms, pinakabagong electricity bills, at anumang valid government-issued identification cards na may signature at address ng aplikante.
Kung ang customer ay namumuhay sa ilalim ng poverty threshold na itinakda ng PSA, ang aplikante ay kailangang magsumite ng certification mula sa local Social Welfare and Development Office (SWDO) na inisyu sa nakalipas na anim na buwan na nagpapakita na ang family income ay nasa ilalim ng poverty threshold na applicable sa panahon ng aplikasyon.
Ang pagpapatupad ng programa ay iniurong sa September upang mabigyan ang qualified customers ng karagdagang panahon na magparehistro.
Sa datos mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) ay lumitaw na hanggang July 31 ngayong taon ay may 12,829 household beneficiaries ng 4Ps, mula sa 4.2 million household members ang nakapag-aplay para sa Lifeline Rate program.
Ang Lifeline Rate Program validity ay base sa annual certified list ng 4Ps beneficiaries na ipinagkaloob ng DSWD.
Ang isang qualified customer ay eligible na tumanggap ng Lifeline Rate kung nananatili siya sa updated list.
Kung natanggal na sa listahan, ang customer ay maaaring mag-apply para sa local SWDO certification kung namumuhay siya sa ilalim ng poverty line at maaaring muling mag-aplay para sa Lifeline Rate.
Para sa non-4Ps beneficiaries, ang Lifeline Rate ay magkakaroon ng three-year validity mula sa petsa ng pag-iisyu ng certification ng local SWDO.= Ang power reduction rate ay magkakaiba depende sa umiiral na rates ng DUs o ECs.
Sa franchise area ng Manila Electric Company (Meralco), ang lifeline end-users na may zero hanggang 20 kilowatt-hours (kWh) ng monthly consumption ay pagkakalooban ng 100-percent discount sa generation charges, kabilang ang system loss, transmission, at distribution components ng kanilang bill, maliban sa fixed metering charge na P5, na nangangahulugan na nasa humigit-kumulang P20 lamang mula sa kanilang electric bills ang babayaran.Kung hindi sila mag-a-avail ng Lifeline Rate sa pamamagitan ng Meralco, kailangan nilang magbayad ng humigit-kumulang P250.
Sa ilalim ng programa, ang mga customer na kumokonsumo ng 21-50 kWh ay magbabayad lamang ng humigit-kumulang P300 habang yaong nasa 51-70 kWh consumption bracket ay magbabayad ng P522.90.
Samantala, ang mga kumokonsumo ng 71-100 kWh ay magbabayad lamang ng P904.21 sa halip na undiscounted rate na P1,099.10 kung hindi sila mag-aaplay para sa Lifeline Rate.
-PNA