Standings:
W L
TNT 7 0
San Miguel Beer 5 1
NLEX 5 1
Meralco 4 2
Barangay Ginebra 3 2
Columbian 3 4
Magnolia 3 4
Blackwater 2 4
NorthPort 2 4
Phoenix 2 5
Rain or Shine 1 5
Alaska 1 6
Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – Blackwater vs Rain or Shine
7 p.m. – San Miguel vs NorthPort
TARGET ng three-peat seeking San Miguel Beer ang solong ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa NorthPort sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Cuneta Astrodome.
Haharapin ng Beermen ang Batang Pier sa alas-7 ng gabi kasunod ng salpukan ng Blackwater at Rain or Shine sa alas-4:30 ng hapon.
Makakasagupa ng SMB sa unang pagkakataon ang dati nilang prized center na si Christian Standhardinger na ipinamigay sa NorthPort kapalit ni Moala Tautuaa.
Gagampanan ni Standhardinger ang low post at makikipagbalyahan kay June Mar Fajardo.
Katuwang ni Fajardo si Tautuaa sa low post at ang balbasing Fil-Tongan ay maaasahan din sa scoring kung saan mapanganib siya sa perimeter area.
Sa kabila ng paglipat ni Standhardinger sa NorthPort ay dehado pa rin ang Batang Pier dahil kulang sila sa magagaling na players ‘di tulad ng Beermen na loaded ng mga talentadong manlalaro.
Si Tautuaa ang ikatlong manlalaro mula sa Batang Pier na kinuha ng San Miguel. Ang unang dalawa ay sina Terrence Romeo at Kelly Nabong.
Hindi lang sa locals nakalalamang ang SMB kundi maging sa import, sa katauhan ni Dez Wells laban kay Mychal Ammons.
Sa kabila na liyamado ay hindi dapat magkumpiyansa si coach Leo Austria dahil may kakayahan ang Batang Pier na maagaw ang panalo.
Katuwang ni Wells sa opensiba ang deadly quartet nina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Arwind Santos at Chriss Ross. CLYDE MARIANO