INIHAYAG ng isang Catholic priest na malaking bagay para sa mga lider ng Simba-hang Katoliko ang pagso-“Sorry God” ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Father Jerome Secillano, isang napakalaking bagay para sa Simbahan na dumating sa ganitong reyalisasyon ang pangulo, at siya pa mis-mo ang humingi ng paumanhin sa kanyang ginawa.
Nauna rito, sa isa sa kanyang mga talumpati ay tinawag na estupido ng pangulo ang Panginoon na umani ng mga batikos sa mga mananampalataya.
Kalaunan naman ay nag-sorry sa Panginoon si Pang. Duterte nang makipag-usap ito kay Jesus is Lord (JIL) leader Brother Eddie Villanueva.
Ayon naman kay Secillano, ang pag hingi ng paumanhin ng Pangulo sa kanyang ginawa ay isang ma-gandang hakbang din patungo sa tamang direksiyon.
Si Secillano ay executive secretary ng Public Affairs Committee ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.