SOY CANDLE BUSINESS NI PAULEEN LUNA-SOTTO IPINANGALAN KAY BABY TALITHA

pauleen luna

MAHILIG na talaga sa pagnenegosyo ang isa sa EB host na si Pauleen Luna kahit entra eksenanoong single pa siya, as in, kung ano-ano raw ang kanyang mga itinitinda noon.

Ngayon ay isa nang ganap na businesswoman ng Talitha Soy Candle si Pauleen na ipinangalan nga niya sa daughter nila ni Bossing Vic Sotto na si Talitha na habang lumalaki ay lumilitaw na ang ganda.

By the way, sa rami ng orders kay Pauleen sa online ay minsan ay nauubusan rin siya ng stock. Sila rin pala ang gumagawa ng scented candles na ito. Pero bakit ito ang napili ng actress-host at hindi ang negos­yong realty ng kanyang parents? Mas komportable raw siya sa maliit na business lalo’t bukod sa hosting sa Bulaga araw-araw ay pinaka-priority niya ang kanyang mag-ama.

‘MINA-ANUD’ NINA DENNIS, JERALD, AT MATTEO PINURI AT HINANGAAN

HINDI nagkamali ang Cinemalaya na ang “Mina-Anud” ang napili nilang maging Mina-anudclosing film sa Cinemalaya Independent  Film Festival 2019. Kasi no offense meant sa ibang entry ay ibang klase ang pagkakagawa ni Direk Kerwin Go ng pelikulang ito na tumatalakay sa drug addiction at reyalidad ng buhay.

Ang performance dito ni Dennis bilang si Ding at Jerald Napoles as Carlo ay hanep sa husay. Parehong nabigyan ng dalawa ng justice ang kanilang mga cha­racter na simple lang ang pamumuhay sa probinsya ng Borongan, Samar hanggang sa matukso sa mala­king pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng cocaine.

Noong una ay inakala nilang panglason sa daga pero cocaine pala na nagkalat sa karagatan ng Samar. Applauded ang mga eksena ng dalawa at ang husay ring gumanap na misis ni Dennis si Dionne Monsanto. Isang malaking rebelasyon din si Matteo Guidicelli  sa pelikula. Super hot at yummy ni Matteo sa kanyang mga pasilip sa katawang eksena bilang endorser ng corned beef at drug addict.

Maging ang mga gumanap na kaibigan nina Dennis at Jerald na kinabibilangan ni Mara Lopez ay magagaling din. Co­medy naman ang hatid ni Lou Veloso na punong barangay sa isla ng Samar lalo na nu’ng sumayaw sila ng Budots at lahat ng nasa loob ng Tanghalang Nicanor Abe­lardo (CCP Main Theater) ay tawanan sa eksenang ito.  Punong-puno ang sinehan sa rami ng mga nanood.

In all fairness ang Mina-Anud ay isa sa pelikula ng Regal Entertainment Inc. nina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pinakamaganda, makabuluhan at dekalidad na kanilang na-produce. Masaya ang mag-ina at puro positive ang feedback sa pelikula nilang ito at all praises sa cast at director ang mga nanood ng special screening nito last August 10. Simula Agosto 21 ay palabas na ang Mina-Anud sa mara­ming sinehan sa buong bansa.

FEELING POGI AT MAID IN THE PHILIPPINES PATOK SA DABARKADS VIEWERS

HINDI lang ang mga may itsura ang binibigyan ng pagkakataon ng Eat Bulaga na masilayan o mabigyan ng exposure sa te­lebisyon. Maging ang mga nagpi-feeling Pogi ay may lugar na rin sa kanilang programa at patok na patok ang “Feeling Pogi” segment na araw-araw ay may dalawang kalahok na pasiklaban ng talento na ang daily winner ay mag-uuwi ng cash at may consolation prize din para sa matatalo.

Marami rin ang tumututok sa “Maid In The Philippines” na majority ng mga sumasali ay may ganda at talented. Ang tatanghaling daily winner ay puwedeng manalo ng 10,000 cash plus gift pack mula sa Pampangas Best Tocino.

Comments are closed.