OPISYAL na tinanggap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ng Malakanyang si Sri Lankan President Maithripa-la Sirisena na dumating kamakalawa ng gabi para sa limang araw na state visit.
Dumating sa Palasyo si Sirisena dakong alas-4:30 ng hapon para sa official welcome ceremony kung saan siya sinalubong ng Pangulo at iba pang miyembro ng gabinete.
Inaasahang magsasagawa ng bilateral discussions at magpipirmahan ng mga kasunduan ang dalawang Pangulo.
Nakatakda ring bumisita si Sirisena sa Asian Development Bank sa Pasig City at sa International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna at inaasahang magtutungo sa Sri Lankan community sa Maynila.
Comments are closed.