BATANGAS – MULA sa level 3 na nangangahulugang “decreased tendency towards hazardous eruption” ay ibinaba na sa Alert Level 2 o “decreased unrest” ang status ng Bulkang Taal ayon sa National disaster Risk reduction Management Council (NDRMMC) kahapon.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, base sa inilabas na Taal Bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ibinaba na sa Alert Level 2 ang status ng nag-alburutong Bulkang Taal.
Sinasabing base sa pag-aaral ng mga eksperto ng Phivolcs tuluyang nabawasan ang mga volcanic earthquake activity ng bulkan.
Bukod dito, huminto na ang ground deformation sa caldera at mismong Taal Volcano Island; gayundin na humina na ang pag-buga ng steam/gas sa main crater.
Mula noong Enero 26 ay nakapagtala ng 141 volcanic earthquakes kada araw ang Taal Volcano Network.
Patuloy ang rekomendasyon ng Phivolcs sa pagbabawal na makapasok sa Taal Volcano Island na itinuturing na Permanent Danger Zone.
Pinapayuhan naman ang local government units na i-assess ang sitwasyon sa mga lugar nila lalo na ang mga nasa loob ng seven-kilometer radius. VERLIN RUIZ
Comments are closed.