LAGUNA – NAGING makabuluhan at matagumpay ang kauna-unahang binuong Regional Task Force To End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) Region 4-A Calabarzon para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa pagitan ng pamahalaan, Communist Parties of the Philippines (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDF).
Binubuo nito ang 21 miyembro ng iba’t ibang ahensiya ng Pamahalaan sa Calabarzon na pinamumunuan nina Presidential Adviser for Southern Luzon, RTF-ELCAC 4A Chairperson Sec. Jose Maria Nicomedez Hernandez, DILG 4A Regional Director Manuel Gotis, tumatayong Secretary.
Kaugnay nito, nagdaos ang mga ito ng programa kasunod ang isinagawang Press Conference sa Multi Purpose Hall sa Camp Vicente Lim, Canlubang lungsod ng Calamba kahapon ng hapon kung saan naging panauhing pandangal si Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Eduardo Año.
Sinabi ni Año sa kanyang mensahe na ang pinaka maganda aniya at ang tamang solution sa insurgency ay “Enhanced Comprehensive Local Integration Program” (E-CLIP).
Tinalakay rin sa nasabing programa ang Threat Situation Update, Campaign Overview, RTF-ELCAC 4A Updates, at Updates on Tabletop Exercise on Convergence kung saan iprinisinta ito ng pamunuan at miyembro ng 2nd Infantry Division (2ID), AFP at ng 202nd Brigade kabilang ang Regional Peace and Order sa ilalim ni DILG Head Executive Assistant Jerry Loresco.
Bukod dito ang isinagawang pamamahagi ng Financial Assistance sa 20 NPA na pawang nagsisuko kamakailan mula sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon area.
Pinangunahan ni Año at ni Calabarzon-PNP Director Police Brig. General Edward Carranza ang pamamahagi ng E-CLIP Assistance sa 20 rebelde.
Labimpito sa mga ito na pawang miyembro ng Militia ng Bayan ang pinagkalooban ng halagang P15,000 cash na Immediate Assistance, habang ang tatlo sa mga ito na pawang kilala na miyembro ng NPA ang binigyan ng halagang P50,000 para sa Livelihood Assistance bukod pa ang halagang P15,000 Immediate Assistance.
Ayon kay Carranza, lumilitaw sa kanilang talaan na ang nabanggit na bilang ng mga rebelde ay pawang miyembro pa rin ng Ganap na Kasapi ng Partido (GK), Milisyang Bayan (MB), Kontak, Baseng Masa at Organisadong Masa under Sub-Region Military Area (SRMA-4A) kung saan aktibong nag-operate ang mga ito sa bahagi ng lalawigan ng Laguna, Rizal, at ng Quezon. DICK GARAY
Comments are closed.