BUMUO kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte ng Inter-agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform (IATF) na naatasang magsagawa ng public information drive at advocacy campaign upang madagdagan ang public awareness kaugnay sa isinusulong na pederalismo.
Base sa Memorandum Circular no. 52 na may petsang Oktubre 31, 2018 ang IATF na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ay pamumunuan ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano bilang chairperson habang si Justice Secretary Meynardo Guevarra naman ang vice chairperson.
Kabilang sa mga miyembro ng IATF ay ang kalihim ng Office of the Cabinet Secretary, Presidential Management Staff, Presidential Communications Operations Office, Office of the Presidential Spokesman, Presidential Legislative Liaison Office, Office of the Political Adviser, Commission on Higher Education, Development Academy of the Philippines at University of the Philippines Law Center.
Nakasaad pa sa kautusan na ang administrative support services ng IATF ay maaaring kunin mula sa organic personnel ng DILG at ibang member-agencies ng task force.
Ang IATF ay naatasang bumuo ng mga estratehiya at magpatupad ng mga kinakailangang aktibidad upang mamulat sa kaalaman ang publiko hinggil sa pederalismo at constitutional reform gayundin ang paghahanda ng infomation dissemination at public communication plan para sa mas epektibong pagsusulong ng mga nabanggit na adbokasiya.
Nauna rito ay bumuo si Pangulong Duterte ng Consultative Commission upang magsagawa ng konsultasyon at panukalang amyenda sa 1987 Constitution para sa isinusulong na pederalismo.
EVELYN QUIROZ
Comments are closed.