TERORISMO TINALAKAY NINA DUTERTE AT MAHATHIR

DUTERTE-Mahathir

NAKATUTOK  sa terorismo at karahasan sa Mindanao ang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte  at  Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.

Nagpulong ang dalawang lider matapos ang laban nina Manny Pacquiao at Argentinian boxer Lucas Mathysse.

Pinasalamatan ni Duterte si Mahathir sa imbitasyon nito na bisitahin ang Kuala Lumpur at mabigyan ng pagkakataon na mapag-usapan ang ilang mahahalagang bagay na kapuwa may interest ang Pilipinas at Malaysia.

Partikular na binigyang-diin  ng Pangulo sa kanilang pulong ang pangangailangan na matugunan ang terorismo at karahasan sa rehiyong Mindanao.

Binigyang-diin din ang trans­national crime gaya ng piracy, armed robbery sa karagatan at illegal drug trade.

Ikinatuwa ni Duterte ang patuloy na pagsuporta ni Mahathir para sa laban at pangmatagalang kapayapaan at pagbabago sa Mindanao.

Kapuwa naman binigyang importansiya ng dalawang lider ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa aspeto ng bilateral at ASEAN upang matamo ang ibinahaging aspirasyon ng kapayapaan, progreso at kaunlaran sa Filipinas at Malaysia.

Muling pinagtibay ni Pa­ngulong Duterte ang kanyang commitment na palakasin ang  defense at security cooperation sa bilateral at regional level.

 

Comments are closed.