NAKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino sa paggunita sa ika-156 kaarawan ni Andres Bonifacio kahapon.
Sa kanyang mensahe, nanawagan ang Pangulo sa mga Filipino na tularan ang pagkamakabayan at hindi pagiging makasarili ni Bonifacio.
“Today is an auspicious occasion to reflect on Andres Bonifacio’s legacy of awakening the Filipino consciousness to fight for our freedom and build an entire nation. The Father of the Philippine Revolution has taught us to embody patriotism and take a stand against our oppressors through the civic duties we fulfill as citizens of this great country,” ayon sa Pangulo.
Hinikayat nitong tularan si Bonifacio sa pagmamahal sa bansa.
Ngayon umano ang matagumpay na okasyon na sumasalamin sa pamana ni Bonifacio na gumising sa kamalayan ng mga Filipino na ipaglaban ang kalayaan at ipaglaban ang bansa.
Si Bonifacio, tinaguriang ‘Father of the Philippine Revolution’ ang nagturo sa mga Filipino na maging kinatawan ng pagiging makabayan at manindigan laban sa mga kaaway sa pamamagitan ng civic duties na tinutupad bilang isang mamamayan ng Filipinas.
Si Bonifacio ay nasawi noong 1897.
Comments are closed.