Standings W L
UP 4 0
DLSU 3 1
NU 3 1
Ateneo 2 2
UE 2 2
AdU 2 2
FEU 0 4
UST 0 4
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
9 a.m. – Ateneo vs FEU
(Women)
11 a.m. – UP vs UST
(Women)
2 p.m. – Ateneo vs FEU
(Men)
4 p.m. – UP vs UST
(Men)
TARGET ng Universityof the Philippines ang ika-5 sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Uni- versity of Santo Tomas sa UAAP men’s basket- ball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.
Walang plano si Christian Luanzon, ang pinagkakatiwalaang as- sistant ni Goldwin Monteverde, na magkampante ang undefeated Fighting Maroons sa kanilang 4 p.m. showdown sa winless Growling Tigers.
“That’s a word you rarely hear sa locker room namin, being ‘comfort- able’, because no team.in this league is a pusho- ver,” sabi ni Luanzon makaraang maitakas ng UP ang 80-76 overtime win kontra struggling Far Eastern University noong Miyerkoles.
Ang Growling Tigers ay nasa ilalim ng standings kasama ang Tama- raws sa 0-4.
“Ang mahirap sa gan- yang team for example FEU and UST, when you come to play them, number one dala nila yung school pride nila, pangalawa yung gutom manalo nandiyan eh,” sabi ni Luanzon.
“Napakaimportante sa amin not to take anyone lightly, to play confidently but at the same time giving our opponents yung respect that is due to them,” dagdag pa niya.
Naghahanap pa rin ng paraan ang Growling Tigers kung paano ibibigay kay coach Pido Jarencio ang kanyang unang pana- lo sa kanyang pagbabalik sa UAAP.
Maliban sa 76-79 overtime loss sa Adam- son, ang lahat ng talo ng UST ay double-digits, kabilang ang 69-87 noong Miyerkoles sa mga kamay ng National University.
Samantala, sisikapin ng Ateneo na manatili sa top four range sa pagharap sa FEU sa alas-2 ng hapon.
Ang Blue Eagles ay nakaipit sa three-way tie sa Falcons at University of the East sa fourth place sa 2-2