Standings W L
Ateneo 7 0
UP 7 1
DLSU 5 2
NU 4 4
FEU 3 5
UST 3 5
AdU 2 6
UE 0 8
Mga laro sa Martes:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – FEU vs UP
12:30 p.m. – DLSU vs UST
4:30 p.m. – UE vs Ateneo
7 p.m. – NU vs AdU
SUMANDAL ang University of the Philippines kay rising star Carl Tamayo upang muling madominahan ang National University, 84-76, at mapahigpit ang kapit sa ikalawang puwesto sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nagbuhos ang 6-foot-7 na si Tamayo ng career-high 21 points sa 8-of-13 shooting mula sa field, kumalawit ng10 rebounds at gumawa ng 3 steals para sa Fighting Maroons na naitala ang ika-7 sunod na panalo sa pagsisimula ng second round.
Naitakas naman ng Adamson ang 64-63 victory kontra Far Eastern University upang putulin ang five-game losing skid.
Isinalpak ni rookie Matty Erolon, ipinasok lamang sa loob ng 12 segundo sa buong laro, ang isang corner triple mula sa pasa ni Jeron Lastimosa sa huling tatlong segundo at hinigpitan ng Falcons ang depensa sa final possesion ng Tamaraws para selyuhan ang panalo.
Sinamahan ng University of Santo Tomas ang FEU sa fifth place sa 3-5 kasunod ng 72-61 pagdomina sa wala pang panalong University of the East.
Ang winning streak ang pinakamahaba sa kasalukuyan ng UP.
“We started strong nung first quarter, siguro sa lahat ng games namin dito kami nakapag-start ng madiin talaga,” sabi ni Maroons coach Goldwin Monteverde.
“But sa third quarter, dumami ‘yung turnovers namin so we need to see what errors to improve pa rin. Definitely, coming from this win meron pa kaming male-learn eh. Kailangan lang namin makita to move on,” dagdag pa niya.
Iskor:
Unang laro:
UP (84) — Tamayo 21, Rivero 16, Lucero 16, Cagulangan 7, Diouf 7, Alarcon 5, Webb 5, Fortea 4, Abadiano 3, Spencer 0, Catapusan 0.
NU (76) — Clemente 18, Torres 15, Ildefonso 11, Malonzo 9, Minerva 8, Felicilda 5, Gaye 4, Joson 2, Figueroa 2, Manansala 2, Tibayan 0, Enriquez 0, Mahinay 0.
QS: 26-14, 42-35, 62-58, 84-76
Ikalawang laro:
AdU (64) — Lastimosa 17, Manzano 14, Peromingan 9, Zaldivar 6, Sabandal 5, Erolon 5, Yerro 2, Barasi 2, Hanapi 2, Colonia 2, Magbuhos 0, Maata 0.
FEU (63) — Gonzales 20, Abarrientos 15, Ojuola 13, Torres 8, Tempra 5, Bienes 2, Alforque 0, Sleat 0, Sajonia 0, Celzo 0, Sandagon 0.
QS: 21-12, 38-34, 50-50, 64-63
Ikatlong laro:
UST (72) — Concepcion 17, Ando 16, Cabañero 11, Manalang 9, Fontanilla 7, Manaytay 6, M. Pangilinan 3, Mantua 3, Samudio 0, Herrera 0, Canoy 0, Gomez de Liaño 0, Gesalem 0.
UE (61) — K. Paranada 17, Pagsanjan 16, Antiporda 6, Sawat 6, J. Cruz 5, Beltran 4, Lorenzana 3, Escamis 2, N. Paranada 2, Tulabut 0, Catacutan 0, Villanueva 0, P. Cruz 0, Abatayo 0.
QS: 11-21, 28-30, 51-54, 72-61