NILINAW kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang police generals na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.
Sa arrival speech ng Pangulo sa Davao City, sinabi nito na base sa kaniyang natanggap na report, colonel lamang ang ranggo ng mga opisyal na sangkot sa ilegal na droga.
Nalilito umano kasi siya sa ranggo ng PNP.
Paliwanag pa ni Duterte, ang akala niya sa ranggong superintendent ay general.
Nauna rito, inihayag ng Pangulo habang siya ay nasa Russia na dalawang police generals ang naglalaro sa operasyon ng ilegal na droga.
Comments are closed.