NAGPASABOG si De’Aaron Fox ng career-high 44 points at magaan na namayani si Tyrese Haliburton sa kanyang rookie duel kay James Wiseman nang tambakan ng Sacramento Kings ang bisitang Golden State Warriors, 141-119.
Sa ikatlong sunod na panalo ng Kings, na sinamahan ng ikatlong sunod na pagkabigo ng Warriors, ay lumapit ang Sacramento ng dalawang laro sa Golden State sa kanilang kampanya na makapasok sa Western Conference playoffs.
Ang kabuuang puntos ni Fox ay mas mataas ng isa sa kanyang naunang career best na naitala noong Jan. 17 laban sa New Orleans Pelicans.
Galing siya sa magkasunod na 30-plus-point efforts, kabilang ang 37-pointer sa dikit na home win kontra Atlanta Hawks noong Miyerkoles ng gabi.
KNICKS 106, WIZARDS 102
Umiskor si Alec Burks ng 27 points at nagdagdag si RJ Barrett ng 24 habang nalusutan ng host New York Knicks ang 17-point deficit upang gapiin ang Washington Wizards, 106-102.
Winalis ng Knicks ang two-game series nang burahin ang multiple 17-point deficits at madominahan ang final minutes ng fourth quarter. Na-outscore ng New York ang Washington, 39-24, sa fourth at 21-11 sa huling 5:28.
Naging instrumento sina Burks at Barrett sa paghahabol ng New York. Naitala ni Burks ang 15 sa kanyang mga puntos sa fourth habang kumamada si Barrett ng 19 points sa second half, kabilang ang 9 sa fourth.
76ERS 109, LAKERS 101
Bumuslo si Danny Green ng 8-for-12 mula sa 3-point range at tumipa ng 28 points upang tulungan ang bisitang Philadelphia 76ers sa 109-101 panalo kontra Los Angeles Lakers.
Si Green ay ginawaran ng NBA championship ring na kanyang napanalunan sa Lakers noong nakaraang season bago ang laro.
Bumalik si Seth Curry makaraang lumiban sa tatlong laro dahil sa sprained left ankle at umiskor ng 19 points, at tumapos si Tobias Harris na may 17 points para sa Philadelphia, na nagwagi ng 10 sa 11 para manatili sa ibabaw ng Eastern Conference standings.
CLIPPERS 98, SPURS 85
Binalewala ng Los Angeles Clippers ang pagkawala ni star Kawhi Leonard at ang trade ni standout reserve Lou Williams upang pataubin ang San Antonio Spurs, 98-85.
Gumamit ang Clippers ng walong players lamang sa pagposte ng ikalawang notching double-digit NBA win laban sa Spurs.
Naglaro si Leonard noong Miyerkoles ngunit lumiban noong Huwebes dahil sa sore right foot.
BLAZERS 125, HEAT 122
Nagtuwang sina CJ McCollum at Damian Lillard para tulungan ang Portland Trail Blazers na malusutan ang Miami Heat, 125-122.
Naitala ni McCollum ang 29 sa kanyang 35 points sa first half at kinamada ni Lillard ang 14 sa kanyang 22 matapos ang interval — kabilang ang tatlong free throws sa final second na naglagay sa Blazers sa trangko sa mahigpitang back-and-forth battle na tinampukan ng 24 lead changes.
773967 586134hello, i came in to learn about this topic, thanks alot. will put this web site into my bookmarks. 170264
519548 877383Wow, superb weblog structure! How long have you been blogging for? you make blogging glance easy. The total appear of your web website is outstanding, neatly as the content material! 325620
121405 994363Some times its a discomfort inside the ass to read what blog owners wrote but this internet site is rattling user friendly ! . 909136
253066 825489Hey there! Nice stuff, please keep us posted when you post once more something like that! 905260