WILLIE REVILLAME, LUIS MANZANO PARTNERS SA ISANG GAME SHOW

HEARTFULLY

MARAMING solid followers Ni Willie ‘Kuya Wil’ Revillame na nakatutok sa kanyang live Online show sa FB na “Wowowin” ang nagulat nang bumulaga sa kanila si Luis Manzano bilang guest.

Dahil parehong magaling na game show host, madalas na makatapat ni Kuya Wil ang game show ni Luis sa ibang istasyon.

Tanong nga ng iba, baka may chance na mag-collab sila sa iisang game show, lalo pa at walang ng exclusive contract si Kuya Wil sa Kapuso Network.

Sa guesting raw ni Luis at Kuys Wil, malaki ang possibility na magkakasama sila ni Kuya Wil sa istasyon ni Manny Villar. Close naman sina Willie at Luis dahil ninong siya sa kasal ng anak ni Star for all seasons Vilama Santos at Jessy Mendiola.

AYANNA MISOLA, MAS ENJOY SA KAPWA BABAE

Dahil sa lakas sa takilya, muling mapapanood si Ayanna Misola sa isang movie na may temang city girl meet island girl, ang “Putahe” ng Vivamax na mapapanood na sa Vivamax screen simula sa Mayo 13.

Isang mabiling ‘putahe’ kasi itong si Ayanna Misola na halos lahat ng pelikula ay klik sa moviegoers, tulad ng mga “Pornstar 2: Pangalawang Putok”, “Kinsenas, Katapusan” at ang Vivamax original mini series na “Iskandalo”.

Wala raw limitasyon si Ayanna pagdating sa sexy scene with a female co-actor. Mas okay  daw kasi kapag babae ang kapartner niya dahil hindi siya nahirapan sa love scenes.

ROCCO NACINO, MAGIGING TATAY NA

USO ngayon sa showbiz ang new babies sa mga artista. Kapapanganak lang nina Angeline Quinto, Winwyn Marquez and Jennylyn Mercado to name a few. Heto may bago na naman magiging tatay na actor, si Rocco Nacino.

Noong January 2021, ikinasal si Rocco kay Melissa Gohing. Ngayon nga, four weeks preggy na si Melissa. Sa sobrang tuwa ni Rocco, na-share niya ang sonogram ng kanilang baby na may caption na: “Because God is kind to those who wait and pray. Excited to meet you soon, Baby Nacino.”

Maging ang misis ni Rocco na si Melissa ay nagpost din sa kanyang Instagram account ng isang larawan kasama si Rocco. “God’s perfect timing. I asked God for a new purpose in life and this was His answer. Our answered prayer,” say ni Melissa.