POSIBLENG maitala sa 2.8 hanggang 3.6 percent range ang inflation sa Mayo kasunod ng pagbaba ng presyo ng bigas at mga produktong petrolyo, ayon sa isang think tank ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa pahayag ng Department of Economic Research ng BSP, ang mas mababang presyo ng bigas at langis, gayundin ang down-ward adjustment sa singil sa koryente ang nakikitang magpapabagal sa inflation para sa Mayo habang ang jeepney fares at food price adjustments sa Central Visayas ang magiging contributor sa upward price pressures.
“The BSP will continue to be watchful of evolving price trends to ensure that the monetary policy stance remains consistent with maintaining price stability,” sabi pa nito.
Ang inflation ay nagpatuloy sa pagbagal sa ika-6 na sunod na buwan noong Abril kung saan ito ang pinakamabagal sa loob ng 16 buwan.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation ay naitala sa 3.0% noong Abril, mas mabagal sa 4.5% na nairehistro noong Abril 2017 at sa 3.3% noong Marso ngayong taon.
Ito rin ang pinakamabagal magmula nang maitala ang inflation sa 2.9% noong Disyembre 2017.
Comments are closed.