2 MIYEMBRO NG SAYYAF NASAKOTE

arestado

BASILAN- NASAKOTE sa ikinasang counter terrorism operation ng Philippine National Police, Militar at Philippine Coast Guard ang isang lalaki na may koneksiyon sa Abu Sayyaf Group sa Isabela City sa lalawigang ito.

Sa ulat ni PNP Spokesperson Brig Gen Ildebrandi Usana, ang naaresto ay kinilala si Ranger Siason na nadakip ng tropa ng pamahalaan sa kanyang bahay sa Purok 1 Brgy Aguada Isabela City, Basilan.

Si Siason ay kabilang sa tagabili ng explosives at ammunitions ng Abu Sayyaf Group.

Kabilang rin ang suspek  sa panggugulo ng ASG noong 2017 sa Barangay Tubigan, Maluso, Basilan na ikinasawi ng siyam na residente at pagkasunog ng ilang kabahayan.

Samantala sa hiwalay pang operasyon, naaresto rin ng tropa ng pamahalaan ang  isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na si Munjiral Kabole dahil sa kasong kidnapping and serious illegal detention.

Nasakote ito sa Barangay Saluping Tabuan-Lasa, Basilan.

Ayon kay Usana, si Kabole ang pangunahing suspek sa pagdukot sa isang

Hja Sadday Jalal noong 2009 sa Sumisip, Basilan.

Sangkot din ito sa mga pag-atake sa pulis at sundalo sa lalawigan ng Basilan.

Si Kabole ay tauhan ni ASG lider Pasil Bayali.

Sinampahan na ng kasong kriminal si Siason  habang ihaharap naman sa korte si Kabole. REA SARMIENTO

Comments are closed.