2 TIKLO SA POT SESSION

pot session

CALOOCAN CITY – ARESTADO ang bebot at construction worker matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Monaliza Alapide, 47, repacker ng 12 Wyoming St. at Cirilo Paz Jr., 50, ng Santiago St. kapwa ng Vista Verde Executive Village Caybiga, Brgy. 166.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-3 ng mada­ling araw nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang Caloocan Police Community Precinct (PCP)-6 hinggil sa umano’y nagaganap na pot-session sa lobb ng bahay ng kanilang kapitbahay.

Agad namang rumes­ponde at nagsagawa ng follow-up ope­ration sina PCpl Edgar John Reyes at PCpl Nolie Boy Gerero kung saan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa Copenhagen St., Llano Brgy. 165, Vista Verde Executive Village.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang nakabukas na transparent sachet, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang lighter at dalawang aluminum foils.

Tinurn-over ang mga suspek sa Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit para sa proper disposition. EVELYN GARCIA/VICK TANES

Comments are closed.