2019 INFLATION BABAGAL SA 3.2%  – BSP

UMAASA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babagal sa 3.2 percent ang inflation para sa buong 2019, mula sa 5.2 percent noong nakaraang taon, ayon kay Deputy Governor Diwa Guinigundo.

Nauna nang sinabi ng BSP na nagsimula nang bumaba ang presyo ng mga bilihin kung kaya inaasahan na matatamo ang target na inflation para sa 2019 at 2020.

“We expect inflation to come down to 3.2 percent in 2019 and farther to 3 percent by 2020,” wika ni Guinigundo.

“There are risks of course … these include possible adjustment in electricity rates and faster than expected monetary policies,” sabi pa ng BSP official.

Sa hiwalay na pahayag kamakailan, sinabi ng BSP na patuloy nitong babantayan ang galaw ng presyo upang masiguro na ang monetary policy stance ay nananatiling tumutugon sa price stability objective nito.

Nauna ring sinabi ni Budget Secretary Benjamin  Diokno na sa pagtaya ng mga economic manager ng administrasyong Duterte ay maitatala ang inflation sa 2 hanggang 4 percent ngayong taon.

Comments are closed.