Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
6:30 p.m. – San Miguel vs Talk ‘N Text
Game 4, Texters abante sa 2-1
SISIKAPIN ng Talk ‘N Text na makalapit sa korona laban sa San Miguel Beer sa Game 4 ng best-of-seven PBA Commissioner’s Cup finals ngayon sa Araneta Coliseum.
Nakatakda ang laro sa alas-6:30 ng gabi kung saan determinado ang Texters na muling talunin ang Beermen para kunin ang 3-1 bentahe at ilagay sa balag ng alanganin ang title campaign ng tropa ni coach Leo Austria.
Tiyak na gagamitin ni coach Ferdinand Ravena ang bentahe upang lumapit ng isang hakbang tungo sa pagkopo ng titulo na dating hawak ng Barangay Ginebra, na kanilang sinibak sa best-of-five semifinals, 3-1.
“We seized the initiative and momentum. We will go for it and move to within a game regaining lost glory,” sabi ni Ravena.
Si Ravena ang kinikilalang head coach ng TNT pero si Mark Dickel ang nagmamando para sa koponan.
Lamang sa billing ang TNT at kailangang samantalahin ng Tropang Texters, sa pangunguna ni import Terrence Jones, ang pagkakataon para makaulit sa Beermen na nasayang ang malaking kalamangan sa Game 3 para malasap ang kabiguan.
Dinomina ng SMB ang unang yugto at lumamang ng 15 points subalit bigong maprotektahan ang bentahe at bumigay sa huli.
Nakahandang umalalay kay Jones sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario, Brian Heruela, Don Trollano, Harvey Carey, Antony Semerad, Jay Washington at Yousef Taha.
Bagama’t down sa serye ay kumpiyansa pa rin si Austria at nangakong babalik sila sa Game 4 upang muling itabla ang serye.
“Our back is against the wall and the only way to get away from the predicament is to fight back with swirling offense and swarming defense,” wika ni Austria.
“The series is far from over. There are four games left in the series and many things will happen along the way. We’ve been in this situation many times in the past. We’re able to bounce back and made it in the end,” ani Austria.
“I reminded my players to put the defeat behind their back and stay focused. Get back and keep their offense and defence on the right direction,” dagdag ng beteranong coach.
Dapat ipakita ni Chris McCullough ang kanyang NBA credentials at kailangang kumamada ng maraming puntos sina frontliners Alex Cabagnot, Chris Ross, Arwind Santos, Marcio Lassiter at Terrence Romeo na dati nilang ginagawa upang makabawi ang SMB. CLYDE MARIANO
Comments are closed.