4-0 ASAM NG PIRATES

LPU

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- LPU vs AU (jrs)

10 a.m.- SSC-R vs JRU (jrs)

12 nn.- LPU vs AU (srs)

2 p.m.- SSC-R vs JRU (srs)

4 p.m.- SBU vs CSB (srs)

6 p.m.- SBU vs CSB (jrs)

TARGET ng Lyceum of the Philippines University ang ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa Arellano University sa pagpapatuloy ng 94th NCAA senior basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Mainit ang simula ng kampanya ng Pirates sa pagtarak ng tatlong sunod na panalo, kabilang ang 88-56 paglampaso sa Jose Rizal U Bombers noong Biyernes habang sinimulan ng Chiefs ang kanilang  season sa pamamagitan ng 75-69 overtime win laban sa Emilio Aguinaldo Generals noong Huwe-bes.

“We’ll try to treat our next games the same way we did in our first three, which is always to go hard for a win,” wika ni LPU coach Topex Robinson,  na winalis ang elimination round sa 18 games noong nakaraang taon bago winalis ng San Beda sa finals sa dalawang laro.

­Nangunguna sina Mike Nzeusseu, Jaycee Marcelino at CJ Perez para sa Pirates kung saan may average sila na 17, 16.3 at 15.7 points, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Para sa AU, ipinakita nito na handa na itong ang mag-move on sa pagkawala ng lider nito na si Kent Salado, na na-sideline sa buong season dahil sa ACL (anterior cruciate ligament) injury na kanyang tinamo sa kaagahan ng taon, kung saan pinunan nina Adrian Alban at Levi dela Cruz ang kakulangan.

Nagpakawala si Alban ng 13 points, kabilang ang big shots sa regulation upang tulungan ang kanyang koponan na ipuwersa ang overtime habang nag-ambag si Dela Cruz ng 12, kabilang ang pito sa extra time upang igiya ang Chiefs sa panalo.

Ito ang magiging unang laro ni Alban laban sa LPU, ang kanyang dating koponan bago siya lumipat sa AU, dalawang taon na ang nakalilipas.

Sisikapin din ng San Beda, ang reigning back-to-back champion, na manati­ling walang talo sa pagharap sa mapa­nganib na St. Benilde sa alas-4 ng hapon.

Naungusan ng Lions ang  Perpetual Help Altas, 67-65, sa opening day noong Hulyo 7 at hindi na naglaro magmula noon nang makansela ang kanilang nakatakdang laro sa huling dalawang Tuesday playdates dahil sa masamang panahon.

Masusubukan ang lakas ng San Beda kontra CSB team na galing sa 90-79 panalo kontra Mapua Cardinals noong Biyernes upang maitala ang kanilang ­unang panalo sa dalawang asignatura.

Sa isa pang seniors’ game, magsasalpukan ang San Sebastian (1-1) at JRU ­(0-2) sa alas-2 ng hapon.

Comments are closed.