(4.5% pa rin noong Mayo) INFLATION ‘DI GUMALAW

Claire Dennis Mapa

HINDI nagbago ang inflation rate noong Mayo sa likod ng magkakaibang paggalaw ng presyo ng mga bilihin, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa isang virtual press conference, sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang inflation noong nakaraang buwan sa 4.5%, ang kaparehong lebel na naiposte noong Abril at Marso ngunit mas mabilis sa 2.1% noong Mayo 2020.

“Ang magkakaibang paggalaw ng presyo sa mga commodity groups nitong Mayo 2021 ay nagresulta sa magkaparehong antas ng inflation noong Abril 2021,” ani Mapa.

Dahil dito, ang year-to-date inflation ay naitala sa 4.4%, mas mataas pa rin sa 2% hanggang 4% target level ng pamaha-laan.

Ang May inflation figures ay pasok naman sa forecast range na 4% hanggang 4.8% ng Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP)

“The later outturn is consistent with expectations that inflation could remain above the high-end of the target range during the quarter as meat and oil prices remain elevated,” ani BSP Governor Benjamin Diokno.

“Nonetheless, the BSP expects inflation to decelerate to within the target range by the second half of 2021 to 2022 as domestic supply bottlenecks are addressed,” dagdag pa niya.

Ang major contributor sa inflation print noong Mayo ay ang food at non-alcoholic beverages na may inflation na 4.6% at 39.5% share sa overall consumer price index.

Ang food groups na may malaking naiambag sa food at non-alcoholic beverages ay ang meat tulad ng pork, na may 22.1% inflation na katulad sa April level; isda gaya ng galunggong, na may 7.8% mula 6%; other cereals, flour, cereal preparation, bread, pasta at iba pang bakery products na may 1.8% inflation.

Comments are closed.