NAKASILO ang Pilipinas ng 21 investment pledges mula sa South Korean firms na nagkakahalaga ng halos $5 billion at inaasahang lilikha ng mahigit sa 50,000 trabaho.
Ang Philippine trade officials, kasama ang business delegation, ay nakakuha ng $4.86-B bagong proyekto mula sa South Korean investors sa tatlong araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang bansa.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang investments ay lilikha ng 50,800 trabaho.
Ang business-to-business deals ay kinabibilangan ng isang memorandum of agreement (MOA), anim na memorandums of understanding (MOUs) at 14 letters of intent (LOIs). Ang MOA ay kinapapalooban ng deed of donation na naglilipat ng isang chemical fire truck, isang fire pump truck at dalawang ambulansiya sa Authority of the Freeport Area of Bataan mula sa Korean Federation of Fire Association.
Inaasahan din ang paglakas ng small and medium enterprises (SMEs) ng bansa sa MOUs na nilagdaan ng Asean Business Advisory Council, kasama ang Asean-Korea Centre at Korea Federation of Small and Medium Businesses (KBIZ); at Philippine Chamber of Commerce and Industry, kasama ang KBIZ.
Ang una ay naglalayong makabuo ng partnership upang magkatuwang na linangin at ipatupad ang mga programa, proyekto at advocacy initiatives na magpapalakas sa mentorship network ng regional bloc para sa SMEs. Target naman ng iba pang SME MOU ang pagbabahagi ng impormasyon hinggil sa komersiyo, industry market updates at pagtukoy sa business at trade opportunities na nakapokus sa maliliit na negosyo.
Lumagda rin ang Philippine Utility Vehicle Inc. (PhUV) sa isang MOU sa DaeKyung Engineering Co. Ltd. na lumilikha ng cooperative relationship para sa joint development at promotion ng green enterprises sa Pilipinas, tulad ng smart grid, electric vehicle at advanced energy. Sa ilalim ng partnership, ang DaeKyung ay magkakaloob ng parts at components, habang ang PhUV ay magsusuplay ng chassis at body para sa assembly ng electric jeepney prototype.
“The Cagayan Economic Zone Authority also scored four LOIs for the dredging, reclamation and reinforcement of the breakwater pier and harbor at Port Irene, Cagayan; construction of a pelletization plant for the prospective production of steel through the build-and-transfer arrangement at no cost of the government; creation of a partnership for the creation of a hub inclusive of blockchain technology; and initiatives related to financial technology,” ayon pa sa DTI.
Lumagda rin si Trade Secretary Ramon M. Lopez sa ilang LOIs na may kinalaman sa infrastructure development, engineering at construction, solar power, wind power, dredging at port rehabilitation.
Nagpahayag din ng interes ang Taeseong Kimchi Company na palawakin ang kimchi food operations nito sa Pilipinas. ELIJAH FELICE ROSALES
Comments are closed.