4 DINAMPOT SA POT SESSION

pot session

CALOOCAN – INA­RESTO ang apat katao kabilang ang isang menor na estudyante na na-rescue ng awtoridad matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct (PCP)-1 P/Capt. Jeraldson Rivera ang mga naaresto na sina Janis Ian Tamargu, 43, Rodel Punay, 55, Ramil Gonzales, 47, at ang 17-anyos na binatilyong estudyante.

Sa ulat, alas-11:50 ng gabi, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa concerned citizen ang mga tauhan ng PCP-1 at ini-report ang isang grupo ng kalalakihan na nagpa-pot-session umano sa loob ng isang bahay sa 21 Republika St. Brgy. 148, Bagong Barrio.

Matapos ang natanggap na impormasyon, agad pinuntahan ng mga tauhan ng PCP-1 ang naturang lugar kung saan naabutang bukas ang gate ng naturang bahay at nakita ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob, kaya’t agad dinamba ang mga ito ng mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang dalawang sachet ng shabu na nasa 0.28 gramo at P1,904 ang street value, isang nakabukas na sachet na may bahid ng shabu at ­ilang drug paraphernalia. VICK TANES

Comments are closed.