CALOOCAN CITY – LIMANG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang civil engineer ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad.
Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head PLT Melito Pabon ang mga naarestong suspek na si George Morales, 44, Rannie Valverde, 36, Edwin Espera, 41, pawang Maypajo, Crispin Vizmamos, 59, civil engineer at Karen John Montalban, 34, kapwa ng Tondo, Manila.
Sa imbestigasyon ni PCpl Mark Jhovie Sales, alas-8 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng NPD-DSOU sa pangunguna ni PMSG Joel Rosales, kasama ang Caloocan Police na pinamumunuan ni P/Col. Noel Flores ang buy bust operation kontra sa ilegal na pagbebenta ng baril sa Interior 10, A. Mabini St., Brgy. 33, Maypajo.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili ng 20 piraso ng bala ng cal. 45 sa isa sa mga suspek kapalit ng P400 marked money at nang magkabaabutan ay agad na dinamba ang mga suspek. VICK TANES/EVE GARCIA
Comments are closed.