AFP MULING NAGDEKLARA NG SUPORTA KAY DUTERTE

AGAD na sinundan ng Armed Forces of the Philippines ng dekla­rasyon ng kanilang patuloy na suporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kasunod ng kontrobersiyal na pagsibak kay  Supreme Court Chief Justice  Maria Lourdes Sereno.

Naging mabilis ang aksiyon ng AFP nitong Biyernes para pasinu­ngalingan ang umano’y fake news na kumakalat  sa mga social media na nag-withdraw ng suporta ang military command kay Pangulong Duterte.

“Your AFP shall and will remain united and steadfast following duly constituted authority and un-der the Chain-of-Command with the President and Commander-in-Chief on top of the hie­rarchy,” ayon kay  AFP spokesman Colonel Edgard Arevalo.

Agad na gumawa ng paglilinaw si Arevalo  hinggil sa “fake statement” na pinakakalat ngayon sa social media na gawa lamang ng iilang tao na nagnanais na maghasik ng intriga at sirain ang AFP bilang isang professional organization.”

Sa mensaheng ipinaskil sa Facebook ng umano’y mga sundalo mula sa “Southern Command” ay  nag-withdraw na sila ng suporta sa gob­yerno at sa Pangulo at  nanawagan pa sa ibang unit ng AFP na sumunod na.

“That is a fake statement. It did not come from the mi­litary. There is no “Southern Command” of the AFP,  and obviously, this is a handiwork of individuals who intend to sow discord in and to dis-credit the AFP as a professional organization,” ani Atty. Arevalo.

Nilinaw pa ng tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan na ang Southern Command or “Southcom” ay isang defunct military unit, na dating sumasaklaw sa buong Min­danao na hinati sa dalawa. Ito ang Western Mindanao Command na dating pinamumunuan ng ngayon ay AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez at  Eastern Mindanao Command.

“A Messenger post purportedly from the soldiers of the ‘Southern Command’ allegedly withdraw-ing support from Government and the President and encouraging other AFP units to follow suit is now circulating in social media. A few people sent it to me to determine its veracity,” dagdag pa ni  Arevalo. VERLIN RUIZ

Comments are closed.