ALTAS NANATILI SA ‘MAGIC 4’

NCAA

 

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- EAC vs MU (jrs)

10 a.m.- JRU vs AU (jrs)

12 nn.- EAC vs MU (srs)

2 p.m.- JRU vs AU (srs)

4 p.m.- SBU vs CSJL (srs)

6 p.m.- SBU vs CSJL (jrs)

SUMANDAL ang Perpetual Help sa game-winning tip ni Prinze Eze upang masingitan ang San Sebastian, 78-76, at manatili sa top four sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa University of Perpetual Help System Dalta sa Las Piñas.

Tabla ang talaan sa 76-76, may 3.3 segundo ang nalalabi, pinasahan ni AJ Coronel si Eze para sa game-winning basket, may kalahating segundo sa orasan, sapat para mapanatili ng Altas ang kapit sa No. 4 na may 3-2 kartada.

Nalasap ng Stags ang ikalimang pagkatalo sa walong asignatura.

“I would really go to Prince (Eze) on that last shot and you know it with that tip in,” wika ni Perpetual Help coach Frankie Lim.

Binura ng Perpetual Help ang 21-point deficit sa first half sa ­pangunguna nina Eze at Edgar Charcos at sa kanilang matinding depensa.

Naisalpak ni Allyn Bulanadi ng SSC ang isang triple na nagbigay sa Stags ng 39-18 kalama­ngan, ang kanilang pinakamalaki sa laro, sa huling bahagi ng second period.

Pagkatapos ay nagpasabog si Charcos ng 17 sa kanyang 18 points sa second half  at kumana si Eze ng siyam sa kanyang 22 points sa fourth canto at ng game-best 18 rebounds at 6 blocks.

Sa juniors’ action, pinataob ng Perpetual Help ang San Sebastian, 70-64, sa overtime upang sumalo sa ikalawang puwesto sa Arellano U na may 4-1 records.

Iskor:

Perpetual Help (78) – Eze 22, Charcos 18, Peralta 11, Coronel 9, Mangalino 5, Aurin 4, Razon 3, Gallardo 2, Cuevas 2, Sese 2, Tamayo 0, Pasia 0

San Sebastian (76) – Bulanadi 21, Capobres 19, Dela Cruz 11, Calma 8, Are 6, Calisaan 5, Desoyo 2, Isidro 2, Villapando 2, Valdez 0, Sumoda 0

QS: 12-20; 27-46; 51-57; 78-76

Comments are closed.