AUGUST INFLATION BIBILIS PA

INFLATION-3

INAASAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbilis pa ng inflation sa Agosto dahil sa pagtaas ng presyo ng domestic fuel.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, sa pagtaya ng BSP Department of Economic Research, ang August 2020 inflation ay maitatala sa 2.5% hanggang 3.3%.

Ang upper end ng forecast range ay mas mataas sa 2.7% na naitala noong Hulyo.

“Higher domestic prices of gasoline and LPG (liquefied petroleum gas) provide upward price pressure during the month,’ sabi ni Diokno.

Gayunman, ang upward price pressures ay maaaring bahagyang mapagaan ng patuloy na pagbaba ng singil sa koryente at ng paglakas ng piso, kasama ang matatag na presyo ng pagkain.

Ngayong buwan ay tinapyasan ng  Meralco ang power rates ng 20.55 centavos per kilowatt-hour sa P8.4911/kWh, na ayon sa kompanya ay pinakamababa magmula noong September 2017.

Katumbas ito ng  P41 bawas sa  total bill ng residential customers na kumokonsumo ng 200 kWh.

“Moving forward, the BSP will continue to monitor emerging price developments to ensure that its primary mandate of price stability conducive to balanced and sustainable economic growth is achieved,” sabi ni ­Diokno.

Comments are closed.