(Ayon sa ADB)INFLATION POSIBLENG PUMALO SA 4.9%

INFLATION-3

POSIBLENG pumalo sa 4.9% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong taon, ayon sa Asian Development Bank (ADB).

Batay sa inilabas na Asia Development Outlook (ADO) 2022 Supplement, itinaas ng ADB ang inflation forecast sa Pilipinas mula sa naunang pagtaya na 4.2% noong Abril.

Habang inaasahang tataas pa ito sa 4.3% sa 2023 mula sa naunang pagtaya na 3.5%.

Ang naturang pagtaas ay dulot ng malaking epekto ng pagsirit ng global commodity prices at ng patuloy na paghina ng piso.

DWIZ 882