CAMP AGUINALDO – UMAKYAT na sa mahigit 215,000 ang indibiduwal na apektado ng pag-aalboroto ng Taal Volcano, batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa bilang ng mga apektado, mahigit 112,000 indibiduwal o 29,424 families ang tumutuloy ngayon sa 416 evacuation centers.
Sa report pa ng NDRRMC, aabot na rin sa mahigit P17 milyon na mga food at non-food items ang naitulong ng Department of Welfare and Social Development at Department of Health sa mga apektado
Tumaas na rin ang halaga ng mga napinsalang pananim at livestock sa Batangas, Cavite at Laguna na umaabot na sa mahigit P3 milyon. REA SARMIENTO
Comments are closed.