Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – Blackwater vs Converge
6 p.m. – Magnolia vs Rain or Shine
NALUSUTAN ng Meralco ang San Miguel Beer, 89-86, upang kunin ang isang quarterfinals berth sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Nagbuhos si Allein Maliksi ng team- high 18 points, nagdagdag si Chris Newsome ng 16 points at pansamantalang isinantabi ni Aaron Black ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang lola sa US para kumamada ng 15 points na tinuldukan niya ng isang triple upang ilagay ang talaan sa 88-83, may 50 segundo ang nalalabi sa 4th.
Tinapyas ng sariling tres ni CJ Perez ang deficit ng Beermen sa dalawang puntos lamang matapos ang charity ni Maliksi charity, ang panalo ay naging opisyal nang sumablay si Simon Enciso sa step back trey bago ang final buzzer.
Umangat ang Meralco sa 6-4, sapat para sa ika-5 puwesto, kung saan ang winless Terrafirma ang nalalabing elimination game para sa Bolts sa Huwebes.
Sinabi ni acting head coach Luigi Trillo, humalili kay Norman Black, na kailangan pa nilang manalo kontra Dyip para mapatatag ang kanilang puwesto sa gitna ng eight-team field na uusad sa susunod na round at upang opisyal na makuha ang best-of-three sa No. 3 seed.
“We need to focus and put all our efforts on Terrafirma. We know that it’s not gonna be an easy game because, obviously, there’s no pressure on them,” sabi ni Trillo.
“But if we win that (game) we cement what we wanted at this time, which is to be in the top six,” dagdag pa niya.
“Wherever we are, three to six, at least it’s not a twice-to-beat, it’s a best-of-three, and that’s all we could hope for.”
Maliban sa nabigong mahila ang kanilang league-best six-game winning streak at pumasok sa last eight na galing sa panalo, ang pagkatalo ay hindi mahalaga para sa SMB dahil tinapos nito ang eliminations na may 9-2 kartada at at siguradong win-once advantage kontra No. 8 team sa quarters.
Nagtala si June Mar Fajardo ng game highs na 21 points at 12 rebounds para sa kanyang ika-7 double-double sa conference para sa Beermen. Umiskor sina fellow starters CJ Perez, Marcio Lassiter at Enciso, bukod kay reliever Vic Manuel, ng hindi bababa sa 11 points bawat isa sa kanila.
CLYDE MARIANO
Iskor:
MERALCO (89) – Maliksi 18, Newsome 16, Black 15, Hodge 9, Almazan 8, Banchero 7, Jose 6, Quinto 4, Hugnatan 4, Pascual 2, Baclao 0.
SAN MIGUEL (86) – Fajardo 21, Perez 14, Lassiter 12, Manuel 12, Enciso 11, Tautuaa 9, Pessumal 5, Zamar 2, Canete 0, Faundo 0.
QS: 19-26, 40-37, 70-67, 89-86.