PLANO ng NCAA na idaos ang 96th season nito sa bubbles sa mga campus ng kanilang member-schools.
Kinailangang kanselahin ng NCAA ang 95th season nito dahil sa COVID-19 pandemic. Naurong din ang simula ng Season 96 sa 2021, at apat na mandatory sports lanang ang lalaruin na kinabibilangan ng basketball, volleyball, swimming, at athletics.
Ayon kay Fr. Vic Calvo ng Season 96 host Colegio de San Juan de Letran, na siyang chairman ng management committee, pinag-aaralan nila ngayon ang mga opsiyon kung paano idaraos ang mga kumpetisyon sa ligtas na pamamaraan.
“We’re forming a committee for studying the bubble concept,” wika ni Calvo. Nakita naman natin sa PBA, very successful, and of course in other sports in other countries.”
Kasalukuyang idinadaos ang PBA Philippine Cup sa isang bubble sa Clark, Pampanga.
Naging epektibo rin ang bubbles sa NBA at sa iba pang international leagues.
Sinabi ni Calvo na pinag-aaralan nila ang posibilidad ng pagtatayo ng bubbles sa university campuses dahil ang ilan sa kanilang member-schools ay magkakalapit lamang.
“Because of the budget constraint, puwedeng school-based. For example, sa Intramuros, you have Mapua saka Lyceum, magkalapit lang ‘yan eh,” aniya.
“Sa San Beda, Arellano, and EAC, San Sebastian, magkakalapit din ‘yun, puwedeng gawin doon na naka-school-based siya.”
Tiniyak naman ni Calvo na masusunod ang lahat ng guidelines at protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Commission on Higher Education (CHED) will be followed.
Hiniling din ng liga ang gabay ng PBA para sa bubbles set up.
Comments are closed.