TINIYAK ni Senadora Imee Marcos na gagawan niya ng paraan upang manatili ang kasalukuyang pondo o ‘di kaya ay taasan pa ang budget ng PGH.
Ginawa ng senadora ang pahayag sa kabila ng ibinalik ng House of Representatives ang P200 milyon na alokasyon sa state-run hospital.
Sinabi pa nito, kulang na kulang ang kasalukuyang pondo sa serbisyong medikal ng pambansang ospital.
“Please help restore the budget cut. Better still increase it. Pay it a visit and witness the crying need of many poor and middle class patients,” giit ni Marcos.
Sa halip na kaltasan, umapela si Marcos sa mga mambabatas na ibalik o kaya ay dagdagan pa ang pondo para makaagapay sa daan-daang mahihirap na pasyenteng siksikan at dumadaing ng tulong sa PGH dulot ng ibat ibang uri ng sakit.
Sa ilalim ng 2019 budget, umaabot sa P2.198 bilyon ang alokasyon sa medical services ng PGH, kabilang na ang mga gamot, medical equipment at supplies.
“Kahit ni-restore ang P200 milyon sa Kongreso, kulang na kulang pa rin ito para matugunan ang pagpapagamot ng mga mahihirap na pasyente at ang pag-upgrade ng mga pasilidad ng PGH. Kung tutuusin, aabot lang sa P7,994,520 per day ang nakalaan sa medical services ngayong taon,” dagdag pa ni Marcos.
Sa panukalang 2020 budget, umaabot na lang sa P2.77 bilyon o natapyasan ng 14 porsiyento katumbas ng P456 milyon ang kasalukuyang pondo na P3.23 bilyon.
Matatandaan,noong 1981 ay kinuha ni dating Unang Ginang Imelda Marcos si Arch. J. Ramos para gumawa ng master plan-ning sa PGH renovation project para mas mapalawak ito at makatulong sa mga mahihirap na Filipino.
Noong 2016, tinanggap ng PGH ang certificate of accreditation ng Philhealth bilang level 3 hospital na may bed capacity na 1,334 pasyente. VICKY CERVALES
Comments are closed.