CHIEFS PINASO NG BLAZERS

NCAA

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre)

10 a.m.- CSJL vs MU (jrs)

12 nn.- SBU vs LPU (jrs)

2 p.m.- CSJL vs MU (srs)

4 p.m.- SBU vs LPU (jrs)

NALUSUTAN ng College of St. Benilde ang pagkawala ni Clement Leutcheu nang gapiin ang Arellano University, 70-62,  upang mapalakas ang kanilang ‘Final Four’ bid sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Tumapos si rookie Justin Gutang na may 15 points at 7 rebounds, habang nag-ambag si fellow Fil-Am Yankie Haruna ng 9 points, 9 boards at isang blocked shot upang tulungan ang Blazers na maitarak ang ika-5 panalo sa walong asignatura, sapat upang umangat sa upper half ng standings.

Napunan din nito ang butas na iniwan ni Leutcheu, na nagsilbi ng kanyang one-game suspension para sa dalawang technical fouls na kanyang nata-mo sa panalo laban sa Emilio Aguinaldo Generals noong Martes.

Ang Cameroonian ang second leading scorer (11.9 points) ng koponan at nangungunang rebounder (9.6) at shot blocker (1).

“The team played well, we held our own in defense even without Clement,” wika ni  CSB coach TY Tang,  na naitala ang kanyang unang back-to-back victory magmula nang kunin ang coaching chores noong nakaraang taon.

Nahigitan din ng Blazers ang nakadidismayang 4-14 rekord noong nakaraang season subalit hindi hihinto rito si Tang,

Maaaring makapasok ang CSB sa ‘magic four’ kapag tinalo nito ang  Perpetual Help (5-2) sa susunod na linggo.

Bumagsak ang Chiefs sa 3-4 kartada.

Sa ikalawang laro, nalimitahan ng Jose Rizal si Hamadou Laminou nang maungusan ang Emilio Aguinaldo College, 57-55. Ito ang ikalawang pana-lo ng Bombers laban sa anim na talo.

Gumawa lamang si Laminou ng 10 points, 7 boards at isang block makaraang sumalang sa laro na may average na 16 points, 10.3 caroms at 2.7 blocks kada laro. Nahulog ang Generals sa 2-6 marka.

Iskor:

Unang laro:

St. Benilde (70)  – Gutang 15, Carlos 11, Haruna 9, Belgica 8, Domingo 8, Dixon 6, Naboa 6, Young 5, Pasturan 2, Barnes 0, Nayve 0, Velasco 0

Arellano U (62) – Alcoriza 14, Sera Josef 11, Villoria 9, Canete 9, Alban 6, Segura 3, Codinera 3, Concepcion 2, Ongolo Ongolo 2, Santos 2, Sac-ramento 1, Dela Cruz 0, Bayla 0, Dela Torre 0

QS: 16-11; 32-27; 51-46; 70-62

Ikalawang laro:

JRU (57) – Mendoza 18, Mallari 12, Esguerra 8, Silvarez 8, Miranda 7, Padua 2, Santos 2, Bordon 0, Doromal 0

EAC (55) – Garcia 19, Laminou 10, Diego 6, Bautista 6, Maguliano 4, Gonzales 4, Bugarin 4, Natividad 2, Cadua 0, Mendoza 0, Neri 0, Tampoc 0, Robin 0

QS: 20-6; 28-23; 47-38; 57-55

Comments are closed.