DENNIS AT JENNYLYN NAGHAHANDA NA SA PASABOG SA ARAW NG MGA PUSO

MARAMI ang followers nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pagsasanib-wallfacepuwersa nila sa kanilang YouTube Channel, ang “CoLove” channel kung saan ay ipinakikita nila sa kanilang subscribers ang power ng pagmamahalan sa pa-mamagitan ng collaboration sa musika aawit si Jennylyn, back-up singer at drummer naman si Dennis.

Maganda ang mga ginawa nilang collaboration at dahil naging hit ito ay gagawin na ito nina Dennis at Jennylyn na isang concert. For the first time ay magsasama na ang dalawa sa isang Valentine Concert. Kung dati-rati ay magkasama lang silang nanonood ng mga concert, sa susunod na taon ay sila nang dalawa ang magpapakilig sa mga magsing-irog.

Pagdating naman sa tunay na kasalan, na tila ‘yun na lang ang kulang sa kanilang pagmamahalan ay ipon-ipon muna ng mga kadatungan ang drama ng dalawa bago  magpakasal. Kahit nga hindi na sila bumabatang dalawa ay wala pa rin sa plano nila ang pagpapakasal, lalo pa ngayong mga panahon na tila ayaw tantanan ng mga project ang dalawa.

Si Jennylyn ay bisi sa dalawang regular show niya sa GMA-7 at paggawa ng pelikula na kasama sina Coco Martin at AiAi delas Alas, samantalang si Dennis naman habang waiting pa sa panibagong teleserye sa Siyete ay dala-dalawang pelikula na ginagawa ngayon plus may collaboration channel pa silang kailangang bigyan ng oras.

RODERICK PAULATE INI-ENJOY ANG BUHAY MATAPOS ANG POLITIKA

HINDI man na mu­ling maluklok bilang public servant sa Lungsod ng Quezon RODERICK PAULATEnitong nakaraang halalan ay balik naman si Roderick sa una niyang pag-ibig, ang showbiz.

Pagkatapos ng stressful na election ay sabak naman si Roderick sa isang teleserye ng GMA-7, ang “One of The Baes” kung saan ay balik-tambalan din sina Ken Chan at Rita Daniela.

Ani ni Roderick, nang ialok sa kanya ang teleserye ay hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ito. Bukod kasi sa light comedy series ito ay balik-GMA7 din siya. Ang huling nagawa niyang soap sa Kapuso Network ay ang “Munting Heredera”.

Para kay Roderick ay isang challenge rin ang comedy series niyang “One of The Baes,” kailangan kasi ay ibang atake naman nang pagpapatawa ang kanyang gagawin. Hindi man bago kay Roderick na lumabas sa mga comedy mo­vies o sitcom, ay kakaiba naman daw kasi ang viewers nga­yon, tipong millennial na rin daw ang atakeng gagawin ni Roderick. Excited din si Roderick na makasama sa trabaho ang isang ma­tagal na niyang kakilala pero hindi pa nakakasama sa  isang project, si Amy Austria at ganu’n din ang pagsasama muli nila ng isang long-time friend na si Tonton Gu­tierrez.

Comments are closed.