DENNIS AT JENNYLYN: PUWEDENG BUSINESS PARTNERS ANG MAGDYOWA

DENNIS AT JENNYLYN

PATOK na patok hindi lang ang tambalan sa te­leserye nina Dennis Trillo at The pointJennylyn Mercado kundi pati na sa collaboration nila sa musika sa kanilang YouTube channel kung saan ginagawan nila ng covers ang iba’t ibang awitin.

Katunayan, marami ang kinikilig sa kanilang tambalan at sa susunod na taon, magkakaroon na sila ng concert together.

Sey pa ni Dennis, kumpara noong una, mas matatag na ang pundas­yon ng kanialng relasyon ngayon.

Hindi nga lang sila partner sa buhay kundi pati sa negosyong ipinundar nila.

Tuloy pa rin daw ang cookies na ginagawa mismo ni Jennylyn at binebenta nila, at may sinimulan pa silang negosyo na build and sell.

Kaya hindi lang sila partner sa kanilang relasyon kundi pati sa pagpundar ng mga negosyo para na rin sa kanilang future.

Kung ang iba na naniniwala na hindi nagwo-work ang business partnership ng magdyo­wa, iba naman ang pani­niwala ni Dennis.

“Depende naman sa tao iyon. Siyempre kung partners kayo lalo na sa tunay na buhay, hindi lang kayo dapat partners sa iilang bagay kundi sa lahat ng bagay,” paliwanag niya.

Ayaw rin niyang sabihin kung tuloy na next year ang engagement o kasal nila ni Jennylyn.

“Iba kasi akong tao eh. Mga ganu’ng bagay, hindi ko talaga bino-broadcast. Malalaman n’yo rin kapag nandiyan na,” esplika niya.

Happy naman si Dennis dahil malapit nang ipalabas ang pelikula niyang Mina-Anud, naging closing film sa 15th Cinemalaya.

“Talagang pinilit ko na makasali sa ganitong klaseng pelikula na matapang at masarap panoorin. Kakaiba siya sa mga pelikulang nagawa ko na. Maganda ang kalidad, story at masarap siyang panoorin ng barkada,” pahayag niya.

Sa Mina-Anud, ginagampanan ni Dennis ang papel ng isang local surfer na nakadiskubre ng tone-toneladang cocaine sa dalampasigan.

Ang pelikula ay nagwagi ng Basecamp Colour Prize sa Southeast Asia Film Financing Forum sa Singapore noong 2017.

RICHARD GOMEZ ITINANGGI NA BUNTIS SI LUCY

MARAMI ang naintriga nang mag-post si Ormoc City Mayor at actor Richard Richard and lucyGomez  sa kanyang socmed account na: “something nice together. We will share it with you all on August 13. Watch out for it!”

Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon ang netizens na baka buntis na ang kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres.

Sa panayam kasi noon, inamin naman ng butihing maybahay ni Goma na dalawa ang gusto nilang maging anak.

Ipinalagay tuloy ng kibitzers na susundan na nila ang kanilang nag-iisang anak na si Juliana.

Gayunpaman, mariing idinenay ito ng power couple.

Sey ni Richard: “When I said that we said something nice together, it was Ultherapy.”

So, malinaw na ang  tinutukoy ni Richard na magandang balita ay ang bago nilang endorsement ni Lucy para kay Dr. Vicki Belo.

Hirit pa ni Goma, open pa rin daw naman sila sa ideya na magkaroon ng kapatid ang kanilang 18-year old daughter.

“Working on it, hopefully,” paliwanag niya.

Comments are closed.