Standings W L
PetroGazz 2 0
Chery Tiggo 2 0
Creamline 2 0
Nxled 1 0
Choco Mucho 1 1
PLDT 1 1
Cignal 1 1
Akari 1 1
F2 Logistics 0 1
Farm Fresh 0 2
Galeries Tower 0 2
Gerflor 0 2
Mga laro ngayon:
(Ynares Center)
2 p.m. – F2 Logistics vs Nxled
4 p.m. – Farm Fresh vs PLDT
6 p.m. – Akari vs Chery Tiggo
NAKATAKDANG maglaro si Ced Domingo, isa sa vital cogs sa dynastic rule ng Creamline sa Premier Volleyball League, para sa Thailand club Nakhon Ratchasima, ayon sa kanyang agency.
Si Domingo ay naging ikalawang Cool Smasher na dadalhin ang kanyang talento sa ibang bansa, matapos ni Jia De Guzman, na lalaro para sa Denso Airybees ng Japan V.League.
Ang dating Far Eastern University middle blocker ay pinakawalan na ng Creamline tulad ng inanunsiyo ng koponan noong Miyerkoles, na nagbigay-daan sa kanyang unang stint sa labas ng bansa.
Sa isang statement, nagpasalamat si Domingo sa Cool Smashers sa pagpapahintulot sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maglaro sa ibang bansa.
“Thailand has always been one of the famous Volleyball countries and to be part of (Nakhonratchasima), I know I’ll grow more and be able to give back to Philippine Volleyball when I get back as a more mature and better player,” sabi ni Domingo.
“As I take on greater heights, I will always remember the stepping stones that Philippine Volleyball, most especially Creamline and Rebisco, have allowed me to step on,” dagdag pa niya.
Inaasahang muling makakasama ni Domingo si dating Cool Smashers coach Tai Bundit, na iginiya kamakailan ang Nakhon Ratchasima sa men’s at women’s championship ng Volleyball Thailand League noong nakaraang Pebrero.
Pinanood ni Bundit ang straight-set romp ng Creamline sa Cignal sa Batangas City noong nakaraang Sabado. Sa kabila ng pagkawala nina Domingo at De Guzman, ang Cool Smashers ay 2-0 sa Second All-Filipino Conference.
Masaya si Creamline superstar Alyssa Valdez, na naglaro para sa Thailand’s 3BB Nakornnont at Chinese Taipei’s Attack Line, na makita sina Domingo at De Guzman na maglaro sa ibang bansa.
“Honestly, we very happy for her. I mean, It’s not very often that we get those kind of opportunities. We are just here to support them, reach their dreams and I think in our team naman, we want them to grow and really find also kung anong yung growth na gusto nila as an athlete as well. I guess this is the right time for them to go out, Jia and Ceddy,” sabi ni Valdez.
“We are very happy for them. We really look forward to watch them live in Thailand and Japan and we can’t wait to see them back in the Philippines as well,” dagdag pa niya.
Ang 24-year-old middle blocker ay sumunod sa mga yapak nina Chery Tiggo’s Mylene Paat at Akari’s Dindin Santiago-Manabat, na kapwa naglaro para sa Thai powerhouse noong nakaraang taon.
Bukod kina Domingo at De Guzman, sina MJ Phillips at Iris Tolenada ay naglalaro na rin ngayon sa ibang bansa sa South Korea.