DUTERTE ‘DI PALALAWIGIN ANG TERMINO

Harry Roque

MARIING nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na mapalawig pa ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

Ginawa ni Roque ang pahayag makaraang ang katanungang nabuhay muli ang umano’y inisyatibo ng Kongreso para sa Charter Change na ang puntirya ay mapalawig ang termino ng Pangulo at ng iba pang opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Roque na walang katuturan ang tsismis dahil sa katunayan ay matagal nang nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi siya interesadong magtagal sa Malacanang.

“Wala pong katuturan iyang mga tsismis na iyan. Tsismis lang po iyan. The President has made it clear, wala po siyang kahit anong kagustuhan na manatili ng isang minuto man lang beyond his term of office on June 30, 2022,” ayon kay Roque.

Sinagot din ni Roque ang katanungan kung mahalaga ba o posibleng mabuhay ang Cha-Cha dahil pandemya at dumaranas sa krisis ang bansa bunsod ng COVID-19.

Aniya, kung isasaalang-alang ang krisis dahil sa pandemya ay inisyatibo at prerogatibo na iyon ng Kongreso at rerespetuhin aniya ng chief executive kung anuman ang magiging hakbang ng mga mambabatas.

“That is the sole constitutional prerogative of congress and we respect that,” paliwanag ni Roque.

Sa ngayon ayon kay Roque ay nangungunang prayoridad ng administrasyon ay ang pagtugon sa COVID-19 partikular ang pagbili ng bakuna para masimulan na ang pagbabakuna sa bansa.

“So, the President has no other top priority but to have an end on this pandemic  through giving of vaccine to our people,” giit pa ng tagapagsalita ng Pangulo. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.