PERSONAL na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inulila ng SM Group founder Henry Sy Sr. sa Heritage Park, Taguig gabi ng Linggo.
Dumating ang Pangulo dakong 10:50 kagabi at nanatili roon ng mahigit isang oras.
Kasama ng Pangulo sina Executive Secretary Salvador Medialdea, National Security Adviset Hermogenes Esperon.
Si Sy ay pumanaw habang natutulog sa edad na 94.
Si Sy ang pinakamayamang tao sa bansa at natanyag sa pagtatatag ng malalaking mall sa Filipinas.
Comments are closed.