DUTERTE TINANGGAP ANG PAGIGING VP SA 2022

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon para sa kanyang pagtakbo bilang bise presidente sa 2022  elections.

Ito ang inianunsiyo  ng  Pangulo sa kanyang talumpati sa idinaos na national convention ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa pangu­nguna ng grupo ni  Energy Secretary Alfonso Cusi, sa San Fernando City, Pampanga Miyerkoles ng hapon.

“Alam mo bakit ako tatakbo ng vice president? Is it ambition? Maybe. Is it really a sense of love of country? Yes,” pahayag ng Pa­ngulo.

“I want to see the continuity of my efforts even though I may not be the one giving the direction. Baka makatulong lang ako,” dagdag ng Pangulo.

Giit pa ng Chief Executive na alam ng nakararami na ilegal na droga at terorismo pa rin ang problema sa bansa.

Nagpasalamat naman ang Pangulo sa kaniyang partido para sa pag-nominate sa kanya.

Inilatag din sa kombensiyon na si Senador Bong Go ang presidente ni PRRD.

Tatakbo bilang mga senador sina DOLE Secetary Silvestre Bello III, Rep. Lucie Torres-Gomez, Sec. Salvador Panelo, Sec Arthur Tugade ng DOTr.

8 thoughts on “DUTERTE TINANGGAP ANG PAGIGING VP SA 2022”

  1. Hello There. I discovered your blog using msn. This
    is an extremely well written article. I will be sure
    to bookmark it and return to read extra of your helpful information. Thank you for the post.
    I will definitely return.

Comments are closed.