WALA pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na itatalagang bagong Philippine National Police (PNP) Chief.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go na pinag-aaralang mabuti ng Pangulo ang kapasidad ng mga kandidato.
Binigyaan-diin ng senador na nais matiyak ng Pangulo na karapat-dapat at mayroong “will” para ituloy ang war on drugs ng pamahalaan.
Gayundin, aminado si Go na walang mangyayari sa bansa kung hahayaan lang na magpatuloy ang paglaganap ng ilegal na droga.
Matatandaang naging kontrobersyal ang PNP matapos lumutang ang isyu ng ninja cops na sangkot sa recycling ng mga nakukumpiskang ilegal na droga. VICKY CERVALES
Comments are closed.