NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante na mahigpit na ipatutupad ang mga polisiya upang maging business-friendly ang bansa partikular na ang implementasyon ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Sa kanyang talumpati sa Grand Opening ng Acacia Hotel Davao sa Davao City, sinabi ng Pangulo na nananatili ang administrasyon sa pagpapatupad ng mga batas na magkakaloob ng kaaya-ayang sistema upang mahikayat ng negosyo.
Hiniling din nito sa mga negosyante na iulat ang anumang pang-aabuso ng mga taga-gobyerno na kanilang mararanasan.
Okey lamang umano sa Pangulo na sampalin ng mga negosyante o mamumuhunan ang mga tiwaling opisyal o empleyado ng gobyerno na nagtatangkang manggatas.
“Kaya sabi ko sa mga tao na, ‘Be assertive.’ If you are being milked or asked for something, tapos bayad ka na, sampalin mo, sabihin mo, ‘p***** i** ka. Bayad na ako niyan,’” anang Pangulo.
Wala na aniyang dahilan para matakot ang mga negosyante na magsumbong at bukas 24 oras ang kanyang tanggapan sa Malakanyang.
“Huwag kayong matakot mag-report. Kung pupunta ka sa akin sa Malacañang at mag-complain ka, Malacañang is open 24 hours a day. Sabihin mo lang sa gwardya, ‘Gisingin mo si Duterte kasi niloko ako at hiningian ako.’ And I will call that official in your presence. Nananampal talaga ako at nagsisipa ako,” ang pahayag ng Pangulo.
Comments are closed.