ECONOMIC TEAM PARA MAPABABA ANG INFLATION: PRICE CONTROL SA BILIHIN

INFLATION

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay isinusulong ng mga local economist at ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng kahit na ‘short-term interventions’ upang mapababa ang inflation.

Noong Martes ay inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumilis ang inflation sa 4.6 percent noong Mayo, mas mataas sa 4.5 percent inflation noong Abril at sa 2.9 percent noong nakaraang taon.

Ayon kay University of Asia and the Pacific School of Economics Dean Cid Terosa, ang short-term direct government interventions na ito ay kinabibilangan ng pagpapatupad ng price control sa mga bilihin at paggamit ng subsidiya para umampat ang inflation at mapigilan ang profiteering.

“An all-out war against profiteering can be waged by government. Direct government intervention in the supply of all basic necessities can help in the short run as well,” wika ni Terosa.

“Direct intervention will include price controls, beefing up buffer stocks, subsidies, and the like. But all these can lead to market inefficiencies in the medium to long run,” dagdag pa niya.

Sa datos ng PSA, ang  year-to-date inflation o inflation growth sa unang limang buwan ng taon ay may average na 4.1 percent. Mas mataas ito sa 2-4 percent inflation target na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong taon.

Samantala, sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez na nagtutulu­ngan na ang DTI at Department of Agriculture (DA) upang mag-takda ng suggested retail price (SRP) sa fresh produce.

Ayon kay Lopez, ang naturang mga produkto ay maaaring kabilangan ng bigas; isda gaya ng galunggong, bangus, at tilapia; karne tulad ng  chicken, pork, at beef; at sibuyas at bawang, na karaniwang gina­gamit sa pagluluto.

Aniya, nagsagawa ang DTI at DA ng konsultasyon noong nakaraang linggo at napagkasunduan ang pagpapataw ng SRP sa Metro Manila. Ipala-labas ng DA ang impormasyon sa basehan ng SRP sa agriculture products sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

“We will start in Metro Manila, since majority of those who will b affected are in Metro Manila. So there will me that move on SRP as guide but in effect it will serve as a ceiling. The SRP’s purpose is (to) have basis for profiteering, if it’s like 10 percent higher, then one can really question, why there was a spike in prices at the wet market,” ani Lopez.   CAI ORDINARIO