FRIDAY TREAT: ACES VS FUEL MASTERS; ELITE VS DYIP

PBA Philippine Cup 2019

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia)

4:30 pm- Columbian vs Blackwater

7 pm – Alaska  vs Phoenix

MATAPOS kunin ang pangalawang malaking panalo kontra outstanding favorite Meralco, muling sasalang ang Columbian laban sa Blackwater, habang haharapin ng Phoenix ang mapanganib na Alaska sa PBA Philippine Cup ngayon sa  Mall of Asia Arena.

Sasagupain ng Car Makers ang Elite sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng Fuel Masters at Acres sa alas-7 ng gabi.

Mataas ang morale  matapos ang 86-85 panalo laban sa Meralco noong  Feb. 27 sa Araneta Coliseum, ang Columbian ay pinapaboran  kontra Blackwater.

“We will use our victory against Meralco as jumping board against Blackwater and sustain our momentum,” sabi ni coach Johnedel Cardel.

Muling pamumunuan nina top rookie Jaymar Perez at Rashwn McCrthy ang opensiba ng Dyip, katuwang sina Jeremy King, Joseph Eriobu, Abu Trattersr at Russel Escoto at Eric Camson laban sa tropa ni coach Bong Ramos, sa pangunguna nina Mark Belo, Micheal Vincent Diogregorio, Roi Su-mang at Allein Maliksi.

Ang Blackwater ay may isang panalo pa lamang sa pitong laro.

Tiyak na dadaan sa masikip na butas ang Phoenix kontra Alaska na kilala bilang defense-­oriented na pinasikat ni Tim Cone noong siya pa ang coach kung saan binigyan niya ang Aces ng 11 titles mula 1991, kasama ang grandslam bago lumipat sa koponan ni Ramon S. Ang at hinawakan ang Purefoods at Barangay Ginebra.

Naging runner-up ang Alaska sa nakaraang Governor’s Cup.

“It’s going to be tough against Alaska. We have to play with swir­ling offense and swarming defense,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas.

Sasandal si Alas sa kanyang mga kamador na sina Matthew Wright, Jayson Perkins, RJ Jazul, Justin Chua at LA Revilla kontra mga bataan ni coach Alex Compton na sina Chris Banchero, Jeron Teng, Carl Bryan Cruz, Chris Eximiniana, Sonny Thoss at Nonoy Baclao.

Puntirya ng Alaska ang ikatlong sunod na panalo sa apat na laro at panatilihin ang hawak sa ikatlong puwesto. CLYDE MARIANO

Comments are closed.