HANGZHOU – Naitakas ng Gilas men’s 3×3 team ang kapana-panabik na 15-14 panalo laban sa Kazakhstan upang umusad sa quarterfinals ng 19th Asian Games nitong Sabado sa Deqing Geographic Information Park Basketball Court.
Nanguna si Alvin Pasaol para sa Philippine quartet na may 5 points, kabilang ang driving basket, may 20 segundo ang nalalabi, na nagbigay sa koponan ng 15-13 kalamangan, Inilagay ni Ramazan Samsin ang talaan sa 15- 14, bago ang turnover ni Justin Sanchez na nagbigay ng pagkakataon sa Kazakhs na agawin ang panalo.
Subalit sumablay si Bogdan Rabchenyuk sa potential game-winning deuce habang nakuha ni JB Sajonia ang rebound at napangalagaan ang panalo para sa mga Pinoy.
Umiskor sina Bismarck Lina at Sanchez ng tig-4 points, habang nag-ambag si Sajonia ng 2 points para sa Gilas, na nahulog sa classification para sa quarterfinals makaraang matalo sa kanilang huling laro sa group stage kontra Mongolia.
Hanggang press time ay nagbabakbakan ang mga Pinoy at South Korea sa knockout stage