GILAS WOMEN MAGHAHANDA NA PARA SA FIBA WOMEN’S ASIA CUP

fiba

MAGSASAGAWA ang Philippine women’s national basketball team ng training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Women’s Asia Cup 2021 sa Oktubre.

Ang koponan na gagabayan ni Pat Aquino ay sasabak sa naturang torneo sa September 27 -October 3 sa Amman, Jordan.

Mapapalaban ang Gilas Women, na nasa Division A, sa China, Chinese-Taipei, India, Japan, Korea, at New Zealand.

May 12 players ang inimbitahan sa bubble training camp, walo sa kanila ay bahagi ng koponan na nagwagi ng gold medal sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Manila: Afril Bernardino, Chuck Cabinbin, Khate Castillo, Clare Castro, Ria Nabalan, Janine Pontejos, Mar Prado, at Andrea Tongco.

Makakasama nila sina Ella Fajardo, Karl Pingol, Kristine Cayabyab, at  Camille Clarin.

Ito ang debut ng 18-anyos na si Fajardo sa  Gilas Women makaraang katawanin ang bansa sa  FIBA 3×3 events.

Inaasahang hindi makapaglalaro sa FIBA Women’s Asia Cup si SEA Games veteran Jack Animam, na maglalaro ng professional basketball sa Serbia.

Si Aquino ay sasamahan sa coaching staff nina assistants Julie Amos at Ramon Garcia, trainer Ron Gorospe, physical therapist Rassel Urag, at utility personnel Leonardo Felisilda.

4 thoughts on “GILAS WOMEN MAGHAHANDA NA PARA SA FIBA WOMEN’S ASIA CUP”

  1. 935364 492599Hey, you used to write wonderful, but the last couple of posts have been kinda boringK I miss your super writings. Past several posts are just just a little bit out of track! come on! 486042

Comments are closed.