GMA NETWORK BAGONG TAHANAN NG NCAA

ncaa-gma

ANG GMA Network ang magiging bagong tahanan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) para sa Season 96 hanggang 101 (2020-2026).

Ang landmark deal, na tatagal ng lima’t kalahating taon, kabilang ang centennial year ng NCAA sa  2024, ay magbibigay-daan para maere ang major sports ng liga tulad ng basketball, volleyball, swimming, at athletics sa  Network na may pinakamalawak na naaabot sa buong bansa.

Mapapanood ng NCAA fans ang mga laro sa GMA News TV at via online streaming sa GMANetwork.com. Ang Men’s Basketball Finals ay ieere naman sa main channel ng Kapuso Network, ang GMA-7. Mapapanood naman ng mga viewer sa ibang bansa ang mga laro sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

“We are excited that GMA Network is the new home of the NCAA. At the same time, we are grateful to the NCAA board for putting their trust in GMA to serve as a platform in showcasing the talented Filipino student athletes,” pahayag ni GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon.

“The NCAA, the Philippines’ first and longest-running collegiate athletic league, is most happy and honored to enter into partnership with GMA Network, Inc., the Philippines’ number one TV network. We look forward with hope and excitement as we work together to form our young student-athletes to become the next champions and national athletes who will bring honor and glory to our beloved country, moving towards the league’s centennial year,” pahayag naman ni Fr. Rector Clarence Victor Marquez, OP, Policy Board President ng NCAA Season 96 at President ng Colegio de San Juan de Letran.

 

HINDI makapaglalaro si Warriors All-Star guard Klay Thompson sa  NBA season makaraang mapunit ang kanyang  right Achilles tendon sa isang practice game sa Southern California noong Miyerkoles.

“Klay Thompson suffered a torn right Achilles tendon, an MRI confirmed today in Los Angeles,” pahayag ng  Warriors sa isang statement.

“He is expected to miss the 2020-21 season.”

Ang sharp shooting 30-year-old ay hindi rin nakapaglaro noong nakaraang season dahil sa torn left anterior cruciate ligament na kanyang natamo sa Finals noong nakaraang taon at ang three-time NBA champion ay nakaamba para sa malaking season kasama si fellow “Splash Brother” Stephen Curry.

Bagama’t matatagalan ang pagbabalik ni Thompson sa NBA action, may mga indikasyon naman na lubusan siyang gagaling.

“Based on the type of tear, Thompson has been told to expect that he will make a full recovery,” ayon sa report ng ESPN.

Bumuhos ang suporta para kay Thompson mula sa basketball community buhat nang pumutok ang balita bago ang NBA draft noong Miyerkoles ng gabi.

“Devastating loss,” wika ni NBA analyst Stephen  A. Smith ng ESPN sa isang video message sa Twitter.

“My heart goes out to him. Good guy, one of the greatest shooters this game has ever seen,” aniya.

“Bad for him, bad for the league, bad for us not to see him out there. It’s a damn shame.”

Ang NBA regular season ay magsisimula sa Dec. 22.

Comments are closed.