Mga laro ngayon:
(Ynares Center-
Antipolo)
4:30 pm- TNT vs Rain or Shine
6:45 pm – Alaska vs Ginebra
SA WAKAS ay pumasok din ang Magnolia sa win column makaraang pataubin ang Meralco, 92-86, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro.
Nanguna ang ipinagmamalaki ng Cagayan de Oro na si Jio Jalalon para sa Hotshots na may 19 points, kabilang ang dalawang dagger threes sa fourth quarter. Nakalikom din siya ng 9 rebounds at 4 assists.
Kinailangang malimitahan ng Hotshots ang Bolts sa 13 points sa fourth quarter upang maputol ang 3-game slide.
Nakakuha ang Magnolia ng 15 at 11 points mula kina Paul Lee at Mark Barroca, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang unang panalo ng Hotshots sa apat na asignatura.
Naging dikit ang laban mula sa umpisa hanggang sa makontrol ng Magnolia ang laro makaraang bumanat ng 11-0 run, tampok ang back-to-back tri-ples ni Jio Jalalon.
Isang pares ng 3-pointers ni Jalalon ang nagbigay sa Magnolia ng 89-82 kalamangan, may 4:00 ang nalalabi.
Tumapos si Chris Newsome na may 22 points, 7 rebounds at 7 assists para sa Bolts, na bumagsak sa 2-5.
Iskor:
MAGNOLIA (92) – Jalalon 19, Lee 15, Sangalang 12, Barroca 11, Melton 7, Dela Rosa 7, Simon 6, Ramos 6, Brondial 5, Reavis 2, Herndon 2.
MERALCO (86) – Newsome 22, Amer 18, Hodge 13, De Ocampo 9, Canaleta 8, Pinto 6, Hugnatan 5, Tolomia 2, Salva 2, Caram 1, Quinto 0, Jamito 0.
QS: 21-22, 46-44, 70-73, 92-86.
Comments are closed.